Chapter Text

୧ ‧₊˚ 🥩🦴 ⋅
🩸~Kabanata 1: tatlo na sais
୧ ‧₊˚ 🕰️⋅
Maynila, 1895.
Halimaw.
“Halimaw!
HALIMAW!”
Nagniningning ang dilaw na buwan, habang napupuno ng mga hiyawan ng dugo ang gabi. Mga bankay ng mga guwardiya sibil na nakahiga sa maputik na damo, dahan-dahang naglakad ang isa sa takot, nakita ang bawat isa sa mga walang buhay na mukha ng kaniyang mga kasamahan.
Biglang nakaramdam ng lamig ng hangin, hindi pangkaraniwan ang tahimikan. Dub! Dub! Tumibok ang puso niya sa pagkabalisa. Sabi ng isip niya, “may nagkukubli.”Nanginginig na itinaas niya ang kaniyang baril, handang ipaglaban ang kanyang buhay at patayin ang hayop.
Narinig niya ang kaluskos sa likuran na nagmumula sa damuhan na naging dahilan ng kaniyang pagpapaputok. Isang hiyawan ang namayani dito. Sa pag-aakalang napatay niya ito, isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. Sa kaniyang pagtalikod ay bumaon ang matatalas na ngipin sa kanyang leeg.
Habang hinihigop ang buhay mula sa kanya, ang huling bagay na makikita niya ay pares ng pulang mga gutom na mata, pinagpipiyestahan ang kaniyang laman. Ang kaniyang mga bituka ay napunit, ang kaniyang mga mata ay umaagos ang dugo. Pinunasan nito ang bibig pagkatapos kumain, itim na itim na mga hibla ng kaniyang buhok na naiihipan ng hangin, kumikinang ang morenang balat nito.
୧ ‧₊˚ 🕰️⋅
Maynila, 2026.
Ang mga abalang lansangan ng Maynila sa gabi ay isang kamangha-manghang tanawin, mga sasakyan na gumagalaw sa kaliwa at kanan. Isang lalaki na tila may tinistis kamakailan, suot pa rin niya ang kaniyang puting kasuotan.
Ang kaniyang kayumangging buhok ay kumikislap dahil sa mga ilaw ng lungsod, matang nakatingin sa bintana ng taxi, mahahabang pilikmata ang masisilayan. Bakas sa mukha niya ang pagod, pumuputok ang kaniyang mga buko ng kaniyang mga daliri.
“Dok, ito na po ba apartment niyo?” Tanong ng driver habang nakatingin sa harap na salamin, “Oo, salamat.” Umalis siya sa sasakyan, mahigpit na hawak ang kaniyang maleta. Pumasok siya sa elevator at pinindot ang 6th floor.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa maabot niya ang numerong “666”, tamad niyang kinuha ang room card at pumasok. Lumantad ang mga larawan ng isang kagrupo niyang babae, “Vienne.”
Puno ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa ang kanyang boses, habang kinukuha niya ang isa sa mga kuwadro. “Bakit isinumpa ang buhay ko? Ang tadhana ang dahilan kung bakit nawala ang ilaw sa dilim ko.” Pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata.
“Brrr…!” Tumunog ang kaniyang telepono, nag-aalangan siyang sagutin iyon pero ginawa niya pa rin, “Dok Anton, kamusta pre?” Isang masiglang boses ang nanggaling sa tawag, “Ok lang naman, ikaw Dok Cole?”
“Aba syempre! Masaya kami ni Nicole, eh makulit din yung mga bata.” Napuno siya ng inggit, ngunit may kasiyahan para sa kaibigan niya. “Pre, mabigat parin ba ang iyong puso para sa kanya?”
…
Isang sandaling katahimikan ang naganap, “Ay oo nga pala! Magdalaw ka naman sa amin, kahit minsan-minsan lang.” Sa pag-iisip niya, ang tagal na rin nung huli siyang bumisita. Tatlong taon na, noon pa buhay si Vienne.
“Sige, dadalawin ko din kayo diyan sa Rizal. Madami lang akong trabahong haharapin.” Bumuntong hininga siya, may gagawin pa siyang operasyon bukas. “Ah walang problema, pwede ka naman din magpahinga dito.” Nag-alok ng tulong ang kaniyang kaibigan.
Tinignan niya ang orasan at naka tutok ito sa numerong “12”, dilim na ang langit, puno ng mga butuin. “Pagod na pagod na talaga ako, pare. Bukas nalang tayo mag-usap, tatawagin nalang kita kung may bakanteng oras pa ako.”
“Sige, matutulog na din ako. Good night, pare!” Dinidiin ng darili niya ang pulang bilog, nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang mukha habang kinuha niya ang tuwalya. Tumama ang mainit na tubig sa mukha niya, nakahinga siya ng maluwag.
Samantala, sa isang lugar sa Rizal, may isang bahay na gawa sa kahoy. Sa loob, nakatira ang isang matandang babae, na tila nawalan na ng paningin. “Corazon! Halika dito!” Hiniyaw niya, “Bakit po?” Sinagot ng babaeng itim na itim ang buhok, nakasuot ng simpleng puting damit.
“Sinasara mo ba mabuti ang mga bintana at pinto?” Isang matatag na pahayag na inilabas mula sa matanda, nalilitong tinanong niya, “Opo, bakit?” Napalunok siya dahil sa kaba, “Tuwing gabi, may dahan-dahang kumukuha ng dugo ko. Isang gutom na hayop marahil.”
Parang napailing ang babae sa sinabi nito, “Pano niyo po masasabi na ganon?” Walang tugon ng ilang sandali hanggang, “Ngunit parang tao ito, aswang. Pakiramdam ko may presenya dito…” Nanlilisik ang mga nabukag niyang mata sa kanya.
“Nasa harap ko lamang.” Isang pilipit na ngiti ang ibinigay ng morena, “Paano ka nakakasigurado?” Panunuya ang matanda sa kanyang tanong, “Ang aking anak ay isang hindi nakaalam na indibidwal, na hindi nakadarama ng masamang pwersa na nakapaligid sa iyo.”
“Hindi ako natatakot sa mga halimaw na katulad mo,” ang mga huling salitang lalabas sa bibig niyang…
Buhay.
Pulang pula ang kulay abo niyang buhok dahil sa malaking tumpok ng dugo sa sahig. Nahati ang leeg, nakabuka ang tiyan, nabali ang tadyang, at hindi nakikilala ang mukha. Sinumulang dilaan ng babae ang kanyang mga daliri, ninanamnam ang kaniyang pagkain.
Sa kasamaang palad, hindi ito sapat. Kailangan niya ng sariwang karne, ibig sabihin ay isang bagong mapagkukunan ng pagkain. Ang katawan ay nagsimulang mabulok, ang amoy ay nagsimulang punan ang silid.
Hindi niya maiiwan dito ang bangkay, tatanungin ito ng mga tao. Kung isasaalang-alang ang katotohanan, maraming beses na siyang nakita ng mga kapitbahay kasama ang matandang babae. Lumakad siya para kunin ang makalumang telepono, at pinindot ang isang tiyak na pangkat ng mga numero, “911”.
“Anong matutulong ko po sa inyo?” Sinagot ng isang lalaki, naghihintay ng tugon. “May halimaw pumatay sa aking amo.”
