Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandoms:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-06-08
Words:
1,311
Chapters:
1/1
Comments:
2
Kudos:
5
Hits:
47

Multo

Summary:

Oo, mahal mo. Oo, mahal ka. Pero sapat ba?

"Ang kantang ito ay para sa mga nangungulila sa pag-ibig. Tagay tayo dyan. Whoo."

"Humingang malalim, pumikit na muna
At baka-sakaling namamalikmata lang"

Notes:

This is what midnight thoughts do to a person.

HI BIA!!!! ♡ ♡ ♡

Hindi po ako masyadong matatas sa Tagalog pagdating sa pagsusulat, ngunit aking inaasahan na ito ay labis ninyong magustuhan.

Iyon lamang.

(TULONG)

Sana po ay mag-enjoy kayo yieeee ♡

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Sabi nila, kapag in love ka, tumitigil ang mundo mo. Bumibilis ang tibok ng puso mo at... at hindi ka makahinga. Pero hindi lang pala ang mundo ang tumitigil, pati ang ikot ng buhay mo, na para bang may hindi nagpagana ng relo o nagtanggal ng battery sa wristwatch mo. In love ka, pero saan ka dadalhin ng pagmamahal mo kung bawat segundo, bawat minuto, bawat oras, bawat araw, hanggang sa umabot na sa taon, siya pa rin ang iniisip mo?

Oo, mahal mo. Oo, mahal ka. Pero sapat ba?

"Ang kantang ito ay para sa mga nangungulila sa pag-ibig. Tagay tayo dyan. Whoo."

"Humingang malalim, pumikit na muna
At baka-sakaling namamalikmata lang"

Kinanta ni Gyuvin ang mga salitang lubos niyang dama. Cover lamang ito, isang kantang matagal na niyang pinapakinggan, ngunit tumatagos pa rin ito sa kanyang damdamin. Gusto man niyang kantahin ang mga kantang sinulat niya para sa kanyang sinisinta, sa tingin niya ay hindi pa tama ang oras—kahit oras ang isa sa mga bagay na lubusan nang nasayang.

May karapatan pa ba siyang isipin bilang kanyang sinta si... si... kung wala na sila?

"Hindi na makalaya
Dinadalaw mo 'ko bawat gabi"

Sa madilim na club na kakaunti lamang ang ilaw, kasama ang kanyang banda, ang mga kumakain ay gusto lamang ng mapapakinggan. Pero bakit, kahit gabi-gabi naman nila itong ginagawa, parang gusto niya pa ring umiyak?

Para bang wala siyang karapatan. Sapagkat kahit lumuhod siya at sumigaw sa buong mundo, wala namang magbabago.

Malakas ang tunog ng mga speaker, nanunuot sa kanyang sistema na para bang may lindol. Kumakanta na lamang siya. Ano pa nga ba ang magagawa niya kundi kumanta? Sayang naman ang kanilang mga alaala kung hindi niya kakantahin ang mga ito.

"Wala mang nakikita (hindi na ba mamamayapa?)
Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim (hindi na ba mamamayapa?)"

"Wooo. Ganda. Isa pa!" hiyaw ng isa sa mga tao sa audience.

"Pwede ba mag-request ng kanta?" tanong ng isa.

"Boss, pa-order nga ng isang sisig dito sa table five."

Iyon oh, sisig daw. Si kuya naman, hindi naman pala para kay Gyuvin ang request. Isa pa siyang paasa.

Lintik na sisig na 'yan. Paborito 'yan ni Ricky eh. If there was a chance, Ricky would've ordered it with lots of rice and asked Gyuvin for seconds kung gutom pa rin siya. And of course, Gyuvin would gladly bring him more. Mahina siya eh. Hindi. Malakas lang si Ricky sa kanya.

Sorry ah, napa-English. Medyo nahawa rin sa pagka-conyo ni Ricky eh.

Ayan na naman si tanga, iniisip na naman 'yung gusto niyang mapangasawa.

Ay. Nasabi niya na naman ang pangalan ni Ricky sa utak niya. Hindi naman bawal talaga. Siya lang naman ang nakakarinig sa mga iniisip niya. Pero nakakapanghina lang. Kasi sa dami-dami ng tao sa mundo, 'yung pinakawalan mo pa ang hindi mo makalimutan.

"Gusto nyo ng isa pa?" tanong niya sa mga nakikinig.

Napatingin siya kina Yujin at Hanbin, na kanina pa tumutugtog ng drums at gitara. Si Jiwoong naman ang nasa isa pang gitara. Minsan keyboard, kung kailan niya maisipan.

Todo sige naman ang mga tao sa club. Ang ganda yata talaga ng boses niya kahit muntik na siyang maiyak.

"What if hindi kanta? What if tula? Okay lang ba? Isang Daang Tula Para kay Stella?" sabi ni Gyuvin, at napatawa na lamang siya sa sarili niyang sinabi.

Tawagin nyo na siyang baliw kung gusto nyo. Sino ba namang hindi man lang nabaliw nang kahit kaunti dahil sa pag-ibig?

"Biro lang. Isang Daang Tula Para kay..." Huminto siya sandali bago ngumisi. "Haha, secret. Walang clue."

"Sige nga, sample!" sabi ng isa sa mga customer ng club.

Ito na. Ilalabas niya na ang kanyang nadarama.

"Oh, giliw ko, miss na miss kita."

Kinanta niya. Oo, kinanta niya. At proud pa siya.

May mga tumawa. Mayroon ding napareact na parang napakapersonal ng linyang iyon para sa kanila.

"Ay, mali pala. Sorry."

Then Gyuvin cleared his throat. The humor slowly faded from his face, replaced by something quieter. Maybe he needed that brief moment of laughter. Maybe he needed a few seconds to breathe. Bago tuluyang bumigay.

Inilapit niya ang mikropono sa kanyang bibig at nagsimula.

"Hi, hello, kumusta?
Ang tagal na nating 'di nagkikita.
Naalala mo pa ba ako?
Ako 'to, 'yung lokong nang-iwan sa'yo.

Masyado bang matindi?
Ito, hinaan ko. Kaya ko namang umintindi.
Ako 'yung kaklase mong nanghihiram ng bolpen,
Tapos isang saglit lang, nagtatanong na kung ika'y may boypren.

Iyon lang kasi ang alam kong paraan
Para ako naman ay bigyan mo ng daan
Sa puso mong nakasarado pa
Para buksan ko at doon ako paparada.

Masaya tayo noon, 'di ba?
Masaya, masaya, masaya.
Tapos may nagbago.
Meron ding naglaho.

Sabi ko hahabulin kita
Kasi gusto kitang makita.
Pero hindi na kita maabot.
Kaya puso ko'y unti-unting napupudpod. 

Pero napapaisip ako gabi-gabi,
Mga salitang lumalabas sa aking labi.
Ricky, may tanong ako sa'yo:
May lugar pa ba ako sa puso mo?"

Nagtapos si Gyuvin sa malungkot na himig, dama ang bawat salitang binitawan niya. Para bang isa-isa niyang inilabas ang mga damdaming matagal nang kinikimkim, umaasang kahit papaano ay gagaan ang pakiramdam ng kanyang puso. At gumaan naman. Kaunti. Ngunit hindi sapat.

Ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan ay ang malakas na reaksyon ni Yujin mula sa likuran.

"Uyyy!" Napasampal si Yujin sa sarili niyang bibig.

"Hala siya." Napabuka na lamang ng bibig si Hanbin sa sobrang gulat.

"Gyub, ayus-ayusin mo ang mga desisyon mo sa buhay." Si Jiwoong iyon.

Noong una, nagtataka pa si Gyuvin kung bakit nila sinasabi ang mga bagay na iyon.

Sinabi niya lang naman ang lahat ng gusto niyang sabihin.

...Sinabi niya lang naman ang lahat ng gusto niyang sabihin.

...Pati si Ricky.

Ay. So, ayun na nga. Magpapalamon na lang siya sa lupa sa loob ng susunod na isang minuto. Okay. Bye. Mabuhay kayong lahat.

In the middle of his crisis with himself, at the far end of the audience, he catches sight of a silhouette that almost looks like Ricky.

Tingnan mo nga naman. Pati sa totoong buhay, napapanaginipan na niya si Ricky. Pwede bang kapag natulog na lang siya mamaya?

Pero bakit lumalapit ang imahinasyon niya?

Gago, he can see dead people. Mama, tulong.

Sandali lang, hindi pa patay si Ricky. Delusional lang siya. He was a very delusional person, that much he could admit.

Pero lumapit nang lumapit ang tao hanggang sa nakita niya nang maayos ang mukha nito, at doon tuluyang tumigil ang lahat ng maayos na pag-iisip sa loob ng kanyang utak.

Si Ricky.

Si Ricky na nasa harap niya at hindi lang sa screen ng cellphone niya tuwing gabi. Hindi lang sa mga lumang litrato na ilang beses na niyang binalikan sa mga nakaraang taon. Hindi lang sa mga alaalang paulit-ulit niyang kinukwento sa sarili niya kapag hindi siya makatulog.

Kukurutin niya na ba ang sarili niya?

But despite the loudness of the room, the loudness in his heart, and the chaos happening both around him and within him, he could still hear Ricky clearly, as if it was just like before. As if no time had passed at all. As if Ricky's voice was still the sound he would recognize anywhere, the sound he would always find himself turning toward.

"Let's talk later, Qubing."

Sabi nila, pag in love ka, tumitigil ang mundo mo. Bumibilis ang tibok ng puso mo at... at hindi ka makahinga. Totoo nga. Kasi kahit isang beses lang silang nagkita sa loob ng ilang taon, makita lang niya si Ricky at marinig muli ang boses nito, sapat na iyon para mahulog at mahulog si Gyuvin.

Pero hindi lang iyon ang tumatak sa isip niya. Hindi na nandito si Ricky. Hindi na gusto siyang kausapin nito. Hindi kahit ang katotohanang matagal na silang hindi nagkita.

Kasi sa kabila ng lahat, tinawag pa rin siya ni Ricky na Qubing.

Ang hina ko talaga sa'yo.

♡ 

Notes:

Thank you, thank you, thank you!!! Kiss ko kayo.

HAHAHAHA ANG SAYA DIN MAGSULAT NG TAGALOG MINSAN HAHAHAHA
(Di naman halata na I enjoyed the little breather of English narrations quite a bit...)

I planned for this story to be longer, but it might be a little too long right now, so I'm writing the one-shot/Chapter 1 version for the time being.