Chapter Text
Klay didn't mean to cause trouble between Ibarra and Maria Clara's relationship. And now that all has been revealed, kailangan may maitulong o kaya may gawin siya.
Palakad-lakad si Ibarra sa likod ng tahanan niya kasama sina Klay at Fidel. Nagsisisi at nangangamba sa maaring maging kahinatnan sa paglihim niya sa kaniyang nobya.
"Napaka-laki ng pagkakamali ko na naglihim pako sa kaniya." sambit ni Ibarra.
"Sorry po. Ako naman po ang nagpumilit na magpakupkop sainyo eh. Ako po talaga ang may kasalanan dito sorry po." balik ni Klay.
"Siyang tunay binibini. Kaya't kung malalagay sa panganib ang pag-iibigan ni Crisostomo at Maria Clara ay mas mainam na sigurong layuan mo na sila." sabat ni Fidel kay Klay.
Napakunot ng noo si Klay, 'Isa pa to eh, kakalbuhin ko to.'
"Inaano ka? Ang harsh-harsh mo." inis sabi ni Klay.
"Pero sorry po. Mas lalong hindi ako aalis ngayon. Isa pa wala narin naman akong choice."
"Bakit gusto mo manatili ngayong may hudwaan ang magkasintahan?" nagtatakang tanong ni Fidel.
"Dahil walang dapat mamagitan sa true love mo kay Maria Clara, Sir Ibarra. Kahit sino pa yan. Kung ako po ang naging dahilan kung bakit kayo nag-away, baka sakaling may maitulong ako para magka-ayos kayo."
"Unless don't tell me, give up ka na? I understand. Okay lang yan madami pa namang iba diyan." Nagbabasakaling sambit ni Klay.
Tunay ngang may kakaunting pagtingin si Klay kay Ibarra ngunit alam niyang hindi siya ganon kababa para sumira nang isang relasyon.
"Syempre ay hindi." tiim na sambit ni Ibarra.
"Oh yun naman pala eh. Oh edi malinaw! Oh wala ng iba! Narinig mo yun?" biglaang tanong ni Klay kay Fidel at napahinga ng malalim.
'Kahit masakit.' pabulong na sambit ni klay.
"Bueno Amigo. Kung nais mong magkaayos kayo ni Maria Clara kung kailangan mo siyang suyuin, yun ang gagawin mo. Kung kailangan na mag-paliwanag ng paulit-ulit ibigay mo sa kaniya ang buwan at ang mga bituwin." Payo ni Fidel sa kaniyang Amigo.
Napangiti si Klay at napasabi ng, "Aba, may ganiyang side ka pala Sir Fidel?"
"Ilalagay ko lamang ang aking sarili sa posisyon ni Maria Clara. Kung ano ang kailangan niya mula sa aking matalik na kaibigan."
"May punto naman po si Sir Fidel–" napangiti si Fidel sa pagsangayon sa kaniya ni Klay. "-dahil kung mahal mo, ipaglalaban mo." pagtutuloy ni Klay.
"Oo tama at gagawin ko ang lahat para kay Maria Clara." ngiting sambit ni Ibarra.
Napa-palakpak si Klay at sinabing "Edi winner! Oh ano pa ang hinihintay natin? It's time for Operation: Muling Ibalik ang tamis ng pag-ibig!"
Napabuntong-hininga na lamang si Crisostomo at tumingin sa matalik niyang kaibigan.
"Anong gagawin natin Fidel? Tulungan mo ako manumbalik ang pagamo sakin ng aking nobya." Nagaalalang sambit ni Crisostomo.
"May naisip nako amigo!"
Habang nag-uusap ang dalawa sa mga possibleng tono na kanilang gagamitin sa pagkanta ng tula ni Ibarra, napaisip din si Klay kung may maitutulong ba siya. At iyon nga, naisip niya ang mga sikat na kanta na inaawit niya nung siya'y nasa labas pa ng libro.
"Sir Ibarra gusto niyo ba magbigay ako ng maari niyong awitin?" biglang bulas ni Klay habang nag-uusap sila Fidel at Ibarra.
"Tila ata madami kang alam na kanta Miss Klay?" interesadong tanong ni Ibarra.
"Marunong ka pala kumanta Miss Klay? Akala ko puro pang-lalamierda lamang ang ginagawa niya." namamangha na may halong pang-aasar na wika ni Fidel.
"Alam mo Sir Fidel, what if suntukin kita?" nakakunot na sambit ni Klay.
"Tama na. Para kayong mga aso't pusa. Miss Klay ano ba ang mga naiisip mo na kanta?"
"Teka marunong ka ba mag-gitara?"
Ngumiti nang pagkalawak-lawak si Klay - halatang nasisiyahan siya sa mga mangyayari.
